Mga iba't - ibang gamit ang wika sa lipunan. Ito ay nahahati sa 6 na kategorya. Instrumental, Regulatoryo, Interakssiyonal, Personal, Heustiko at ang Impormatibo.
Isang sitwasyon ng instrumental ay pagpapakita ng patalastas tungkol sa isang produkto. Sa pamamagitan nito natutugonan ang ating pangangailangan.
Halimbawa rin sitwasyon ng regulatoryong gamit ng wika ay ang pagbibigay ng direksiyon sa isang lokasyon ng isang lugar.
Ang interaksiyonal rin ay gamit ng wika. Isang sitwasyon nito ang pagbibiruan ng dalawang magkaibigan na nagpalitan ng kuro-kuro.
Sa pagsusulat ng isang "diary" ipinapakita ang isa pang gamit ng wika. Ito ang personal kung saan paraan ng pagpapahayag ng sariling opinyon sa ideyang napag usapan.
Ang pagbabasa ng dyaryo ay isang sitwasyon kung saan ay kumakalap tayo ng mga impormasyon tungkol sa gustong malaman o maintindihan. Ito ay tinatawag na Heustiko.
Ang pag iinterbyu sayo ay isang sitwasyon ng Impormatibo. Isa ring gamit gamit ng wika kung saan nagbibigay ka ng impormasyon tungkol sayo sa paraang pasalita o pasulat.
Sa paglipas ng panahon, hindi natin nalalaman na lalong umuunlad ang ating wika. Itoy yumayabong hindi lang dahil ito ay likas kundi dahil sa ating mga Pilipino na patuloy na gumagamit. Napapalago natin ang wika ng hindi namamalayan. Malaki ang tulong ng wika sa atin kaya sana atin pa itong pagyamanin dahil tunay na mahalaga ang wika.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento